Showbiz News

Ang Precy-ous lines ni Aling Precy

By MICHELLE CALIGAN
 
Bukod sa kilig moments nina Ikay at Hiro, isa pa sa mga inaabangan gabi-gabi sa More Than Words ay ang mga linyang binibitawan ni Aling Precy, ang nanay ni Ikay, played by versatile actress Jaclyn Jose. Madalas mang nakakatawa ang mga payo niya, lahat naman ito ay para sa ikabubuti ng kanyang anak.
 
Narito ang ilan sa Precy-ous lines ni Aling Precy. Nakaka-relate ka ba?
 

"Ilang beses kong sinasabi sa 'yo na huwag kang nagpapaapekto sa sinasabi ng iba. Hindi mahalaga ang panlabas na kaanyuhan, kungdi ang kagandahan ng puso."

 
"Ang batang hindi nagsasabi ng totoo, tinutubuan ng kulugo sa ilong. Gusto mo bang pumangit?"
 

"Kaya nawiwili dahil kinukunsinti. Dapat diyan bigyan ng leksyon!"



"Ang pag-ibig ay parang pagsakay sa jeepney. Puwede mong piliin ang uupuan mo pero hindi mo puwedeng piliin ang taong uupo sa tabi mo."
 

 
"Ang batang sumbungera, lumalaylay ang dila."


"Weh? Magbiro ka na sa lasing, huwag lang kay Precy."
 
Gabi-gabing abangan ang mga hirit ni Precy sa More Than Words, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.