Showbiz News

Dennis Trillo: 'Masuwerte ako na nakatrabaho ko si Kris'

By MICHELLE CALIGAN



Hindi lamang roles na paiba-iba ang nais ni Dennis Trillo, kungdi pati rin ang leading ladies na nakakapareha niya.
 
Kaya naman he considers himself lucky to be paired with Kris Bernal sa primetime drama na Hiram na Alaala.
 
"Hindi naman talaga ako ang namili pero masuwerte na rin ako na nakatrabaho ko si Kris. Siyempre bago, medyo refreshing. Maganda 'yung lagi kang makakita ng panibagong kombinasyon para hindi naman magsawa ang mga tao na sila na lang palagi ang nakaka-partner mo sa mga project. Maganda na rin na 'yung ganito, at least nakakatrabaho mo ang mga bago at magagaling na artista," pahayag ng aktor nang aming dalawin ang kanilang set kamakailan.
 
Kamusta naman katrabaho si Kris?
 
"Magaan, sobrang gaan kasi magaling siya. Seryoso siya sa trabaho niya, lalo na sa mga drama scenes. Talagang makikita mo na grabe 'yung luha niya. Minsan nga sinasabi ni Direk na huwag na muna siyang umiyak sa eksena kasi mabilis siyang lumuha. Makikita niyo rin na kahit anong eksena na ihain niyo sa kanya, kaya niyang i-deliver."
 
Hindi pa raw nila masyadong kilala ang isa't-isa, pero dadating din daw ang panahon na magiging close sila. "Pareho kaming tahimik sa set so minsan lang kami nakakapagkuwentuhan. Hindi pa masyado pero it's a process. Hindi naman porke't magkatrabaho, instant chummy-chummy na kayo. It's a slow process, pero unti-unti lang."