Showbiz News

Kuwento ng second chances sa 'Bet ng Bayan'

By AEDRIANNE ACAR


 
Mga Kapuso, dapat ninyong subaybayan ang Bet ng Bayan ngayong gabi dahil mamamangha kayo sa kuwento ng isang contestant mula sa Polomolok, South Cotabato na si Marlo Jeffrey Diego.
 
Dati raw sakitin itong si Marlo na muntik nang mamatay dahil sa sakit niya sa baga at heart complication. Milagro ngang maituturing na nalagpasan niya itong lahat at nabigyan siya ng ikalawang pagkakataon na mabuhay. 
 
Kaya ngayon ang dating sakitin ay isang part-time dance instructor na at kinakarir ang pagiging isang contortionist. 
 
Isa kaya siya sa magiging grand winners sa pinakamalaki at pinakamalawak na talent search competition sa bansa? 
 
Panoorin niyo rin sina Lordette Jessa Abajon at Mikee Dulay na magpapagalingan sa larangan ng kantahan. Si Lordette ay dumanas daw ng pangbu-bully samantalang si Mikee naman ay inabandona ng sarili niyang ama. 
 
Mapapahanga rin kayo kay Mark Carlo Davis mula sa General Santos City dahil bukod sa kanyang angking galing sa pagiging beatboxer ay miyembro rin siya ng isang dance group. 
 
Lahat ng kuwentong 'yan ihahatid ng Kapuso hottie na si Alden Richards sa Bet ng Bayan, Mondays-Fridays, sa GMA Telebabad.