Showbiz News

Mayton Eugenio, bilib kay Direk Andoy Ranay

By MICHELLE CALIGAN


 
Kahit isa sa mga bullies ni Ikay ang ginagampanan na character ni Mayton Eugenio sa More Than Words, sobrang saya raw nilang lahat sa set.
 
"It's very light sa taping namin, sobrang saya. Siguro kasi puro kami early 20s, tapos the story kasi is very light so it's a good kind of pressure na we want to do our best. Everyone is just very supportive, tapos hindi naman siya heavy drama," kuwento ng young actress who plays the role of Chelsea. Kasama sina Belle (Stephanie Sol) at Molly (Coleen Perez), pinapahirapan nila ang buhay ni Ikay (Janine Gutierrez) sa school.
 
Ang direktor ng programang ito ay si Andoy Ranay, at una na siyang nakatrabaho ni Mayton sa One True Love, which starred Alden Richards and Louise delos Reyes.
 
"Si Direk Andoy medyo komedyante talaga siya. He's very professional. Lahat kami dito challenged na lagyan ng buhay ang character na binibigay niya sa amin. I'm amazed by how he does everything. 'Yung before script reading, alam na niya lahat, he thinks so fast. It's just amazing kung paano mag-work out ang mga ideas niya, mga lines na gusto niyang ibato namin. Tinutulungan din niya kami on how to build our characters. Sobrang thankful ako na nakaka-work ko siya."
 
Aniya, malaking tulong ang naibibigay ng script reading sa kanila, lalo na't kailangang magkaiba ang personalities nilang tatlo nina Stephanie at Coleen.
 
"Siyempre naaalala mo ang lines mo, first of all. Second, alam mo kung swak ang bato mo, or kung a-adlib ka. Kailangan mag-stand out bawat character, so important na we know how to attack it. Tatlo kasi kaming kontrabida dito so as much as possible we don't want to be the same."