Showbiz News

Elmo and Lauren: The real score on their past

By MICHELLE CALIGAN



Special friend. 'Yan ang turingan nina Elmo Magalona at Lauren Young sa isa't-isa. Hindi man nila inaming naging magkasintahan sila ay naging vocal naman sila sa kanilang closeness bilang magkaibigan. Pero mula nang ma-link si Elmo sa kanyang noo'y Villa Quintana leading lady na si Janine Gutierrez ay dumistansya ang Hiram na Alaala star sa aktor. 
 
Maayos pa rin naman ang relasyon ni Lauren sa kanyang manager at mommy ni Elmo na si Pia, pati na rin sa mga kapatid nito. Paano naman silang dalawa?
 
"Mas close naman talaga siya sa mga kapatid ko. Naging very close din kami, pero matagal na 'yun eh. Matagal na 'yun. Nagha-Hi kami, ganun lang," matipid na sagot ng More Than Words actor nang makausap ng entertainment press sa press conference ng naturang Telebabad series.
 
Kung may awkwardness man daw between them, mawawala din ito balang araw.
 
"Ako, hindi naman ako nagpaplano ng mga bagay. Gusto ko, kapag nangyari na lang sila, mangyayari na lang."
 
Open naman si Elmo na makatrabaho si Lauren sa isang TV show or pelikula, pero hindi pa raw ito ang tamang panahon para mangyari 'yun.
 
"Hindi naman sa hindi kami puwedeng mag-work together. Pero sa ngayon, okay ako sa work ko. Masaya ako sa work ko," pahayag niya.