Showbiz News

Robin Padilla, may kondisyon sa manliligaw ni Kylie na si Rayver Cruz

By CHERRY SUN

 
Aprub daw si Robin Padilla sa napapabalitang manliligaw ni Kylie na si Rayver Cruz. Ngunit, meron daw siyang isang kondisyon.
 
Kung maaari ay hindi nais manghimasok ni Binoy sa love life ng kanyang anak, pero noon pa man ay mabuti na ang tingin ng aktor kay Rayver.
 
Pahayag ni Robin sa 24 Oras, “Ayusin muna nila ‘yung mga career nila. ‘Yung pag-ibig nadyan lang ‘yan.”
 
“Ang message ko naman, mabait na bata naman si Rayver. Mabuti ang nanay nun… Kung talagang tunay na ‘yan, mag-aral ng Islam,” dagdag niya.
 

Nagkamabutihan sina Kylie at Rayver pagkaraang gumawa ng isang pelikula.