Showbiz News

Five things the bride needs to know about Dingdong

By ANN CHARMAINE AQUINO

 
Isang guwapong groom ang nagkaroon ng light conversation with Regine Velasquez nitong Sabado sa Sarap Diva. Dito, ibinahagi ni Dingdong Dantes ang ilan sa mga personal information tungkol sa kanyang buhay bago pa man sila ikasal ng Primetime Queen na si Marian Rivera.
 
1. Dingdong doesn't cook
 
"Hindi e, parang alam ko lang 'yung basics. Kasi mahilig ako kumain so alam ko 'yung lasa. Parang basic lang 'yan, maalat, matamis, maasim. So alam ko lang 'yung gusto ko. Kung gusto ko ba ng maalat, ng matamis, ng maasim, ako na nag-a-adjust."
 
2. The responsible panganay
 
"Siguro bukod sa samahan 'yung daddy ko na mag-ayos ng kotse, at maglinis ng kotse sa umaga. Kasi may time dati na rasyon 'yung tubig sa amin e. Parang pinapatay or 'di ko talaga alam 'yung problema. Tinuruan kami, trinain kami kung paano maghugas ng pinggan na limited lang 'yung tubig. Siguro isang basin lang, pagkakasyahin mo na siya. Naka-assign ako parati bilang ako ang panganay. Madalas sa amin ginagawa 'yun."
 
3. The "organized-chaos"
 
"Hindi ako usi e. Parang 'yung tinatawag na organized-chaos. Parang hindi ako maayos pero alam ko kung saan ko kukunin, alam ko kung ano ang gusto ko. Para halimbawa pumunta ako sa store, alam ko na, nakita ko na agad. Isang style lang parati, 'di ko na kino-complicate masyado."
 
4. Differences could be fun
 
"Marami rin [kami ni Marian na things in common], pero marami ring pagkakaiba. Maganda rin na hindi kayo pare-pareho para we can learn from each other. Kunyari may bagay na hindi ko alam tuturo niya sa akin and likewise kung anong gusto niyang malaman, ituturo ko sa kanya. Pinakamahalaga sa lahat is the thing we have in common gusto namin ng isang maayos na pamilya, that we want to settle down eventually which is mangyayari na."
 
5. Marian is the perfect girl for him
 
"Agree! Kaya nga sa umpisa pa lang e nahulog na ako. 'Di ko na tinantanan. Kasi 'yun talaga ultimately gusto natin; makasama natin na pang matagalan."