Showbiz News

Test Your Knowledge: Alden wins 'Celebrity Bluff' for the second time

By MARY LOUISE LIGUNAS

 
Sa second anniversary special ng certified number one all-original Filipino game show na Celebrity Bluff, nagtipon tipon ang dating nag-uwi ng 500,000 peso jackpot prize na sina Alden Richards, Betong Sumaya at ang couple na sina Aiza Seguerra at Liza Diño.
 
Sa ikalawang beses, nanalo ang Bet ng Bayan host na si Alden Richards ngunit hindi siya pinalad na iuwi ang jackpot. Kung 75,000 pesos ang naiuwi ni Alden, magkano kaya ang maiuuwi mo? Alamin kung kaya mong maging half a million pesos richer sa version na ito ng Test Your Knowledge.
 
1. Noong 14th hanggang 16th century sa Italy, anong bahagi ng katawan ng babae ang madalas at nausong inaahit?
A. Legs
B. Kilay
C. Kilikili
 
2. Ayon sa research, ang mga lalaking may kalaguyo o kabit ay mas malaki ang chance na mamatay dahil sa ano?
A. Heart attack
B. Infection
C. Wala
 
3. Ano ang tawag sa ekstrang balat sa iyong siko o elbow?
A. Wenis
B. Dixia
C. Sprotum
 
4. Ayon sa Guinness World Records, ang 'longest kiss' sa buong mundo ay umabot ng mahigit ilang oras?
A. 68 hours
B. 58 hours
C. 48 hours
 
5. Sa anong bansa matatagpuan ang towns na may pangalang 'Bird-in-hand' at 'Intercourse'?
A. Australia
B. United States of America
C. England
 
6. Anong klaseng 'disco' ang unang nauso sa Amsterdam noong 2002?
A. Silent
B. Slow motion
C. Kissing
 
7. Ayon sa isang travel website survey ngayong 2014, bukod sa Pilipinas, saang mga bansa located ang 'World's 5 Worst Airports'?
A. Liberia
B. Pakistan
C. Saudi Arabia
D. India
E. Nepal
F. Uzbekistan
 
Answer key:
1. B – Nauso ang pag-ahit ng kilay kaya sa famous painting ni Leonardo da Vinci, kapansin-pansin na sobrang nipis o wala nang kilay si Mona Lisa dahil uso talaga noon ang pag-ahit nito.
2. A – Sa isang study na isinagawa sa University of Florence in Italy, natuklasang ang mga lalaking may kabit at nanloloko ng asawa ay higher ang chances na mamatay dahil sa heart attack.
3. A – Ang extra skin sa ating mga siko na walang feeling ay tinatawag na wenis.
4. B – The longest kiss was achieved by a Thai couple on the 12th to 14th of February 2013. It lasted for 58 hours, 35 minutes and 58 seconds.
5. B – May towns talaga na tinatawag na 'Bird-in-hand' at 'Intercourse' at ito ay matatagpuan sa Pennsylvania, U.S.A.
6. A – Pinauso ito ng ilang popular DJs sa Amsterdam noong 2002. Tahimik lang sa floor pero sumasayaw ang mga tao kasi ang music, hindi nanggagaling sa loud speakers kundi sa kanya-kanyang wireless headphones at ang tawag dito ay silent disco.
7. B, C, E, F