Showbiz News

Mylene Dizon, nami-miss ang non-kontrabida roles

By MICHELLE CALIGAN
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Dahil sa kanyang hindi matatawarang galing sa pagiging kontrabida sa telebisyon at pelikula, bihira nang bigyan ng protagonist roles ang multi-awarded actress na si Mylene Dizon. Aminado naman siyang nami-miss niyang gampanan ang ganitong klaseng characters. Sa kanya kasing pagbabalik sa Kapuso network, muli siyang magiging kontrabida sa upcoming Telebabad series na Once Upon A Kiss.

"Yes, very much. Hopefully one of these days. And kung ano man ang project na susunod, sana different theme naman. Masarap din naman mag-play ng non-kontrabida although I think that it's harder. Ibang flavor naman siya," kuwento ng aktres in an exclusive interview with GMANetwork.com.

Iba-ibang klase na ng kontrabida roles ang kanyang binigyang buhay. Ano kaya ang ipinagkaiba ni Giselle, ang role niya sa Once Upon A Kiss, sa previous characters niya?

"Probinsya, hacienda, I don't think I have done that. Tatay ko si Michael de Mesa, so nakakatawa 'yun, we'll see how that goes. This is light. This is not like the ones I have done before na todo heavy. Ito easy lang, light. May mga heavy scenes pero not so highly dramatic."

Paglilinaw ni Mylene, kahit bihasa na siya sa pagiging kontrabida, lagi pa rin itong isang malaking hamon pagdating sa kakayahan niya bilang aktres.

"Oh yeah, it's not very easy na magalit sa isang tao or manigaw or manakit ng tao. It's always a challenge for me. Also the challenge there is how you are going to attack it naman na kakaiba, and not like the ones that you tackled before. Forever evolving naman siya."

Abangan si Mylene Dizon sa Once Upon A Kiss, this January on GMA Telebabad.