Showbiz News

Julie Anne San Jose’s self-titled album reaches Diamond record status

By CHERRY SUN
 
Tunay na malayo na ang narating ng Popstar Kids alumna na si Julie Anne San Jose. Matapos ang dalawang taon ay umabot na sa Diamond record status ang kanyang self-titled album.
 
Mangiyak-ngiyak si Japs nang siya ay gawaran ng pagkilala mula sa GMA Records, certified by the Philippine Association of the Record Industry (PARI).



Ngayon, siya ay masasabing kabilang na sa hanay nina Jose Mari Chan, Nina at Christian Bautista.
 
 
Sa panayam ng 24 Oras ay puno pa rin ng saya ang Asia’s Pop Sweetheart dahil sa nakamit na tagumpay ng kanyang first album.
 
Aniya, “I would like to thank of course my supporters dahil sinuportahan po nila ako from beginning hanggang kung nasaan po ako ngayon. And I’m really, really, really grateful and blessed.”
 
Para ipakita rin ang kanyang pasasalamat ay personal niyang pinuntahan ang kanyang mga fans na bumibili ng tickets para sa kanyang ‘Hologram’ concert na gaganapin sa December 13.