Showbiz News

Kylie Padilla, malungkot sa pagiging single?

By ANN CHARMAINE AQUINO


PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

 
Dahil sa pelikulang Dilim, nagkaroon ng pagkakataon na maging malapit sina Kylie Padilla at Rayver Cruz. Ano kaya ang latest update sa dalawa?
 
Sa panayam kay Kylie sa StarTalk, ibinahagi niya na na may chemistry na nabuo sa pagitan nilang dalawa ni Rayver. Ngunit walang official statement kung talaga bang may ligawan na naganap. 
 
Kamakailan lang, inamin ni Kylie na single siya hanggang ngayon kaya naman malamig umano ang mga huling buwan ng 2014. Pero kahit single siya, okay lang raw ito sa Kapuso actress.
 
Bukod dito, inamin ni Kylie ang isa sa mga rason kung bakit mas pinili niya munang maging single. 
 
"Ang dami kong kailangang ayusin muna," matipid na sagot nito.
 
Inamin rin ng aktres na paminsan-minsan ay nararamdaman niya na mayroon kulang sa kanyang buhay.
 
"Hindi ko naman sinasabing hindi malungkot, kasi may araw na meron," pagtatapos ni Kylie. 
 
Matatandaang nagtapos ang relasyon ni Kylie at Aljur Abrenica nitong taon