Showbiz News

Derrick Monasterio’s ultimate move on tips

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Heartbroken ang role ni Derrick Monasterio na si Baste sa character ni Barbie Forteza na si Diana sa The Half Sisters. Aniya, hindi na naman daw bago ang ganitong pangyayari sa kanya dahil madalas naman daw siyang nasasaktan sa totoong buhay.
 
“Naranasan ko na rin kasing masaktan pagdating sa pag-ibig so nakaka-relate na rin ako nang kaunti,” pahayag ni Derrick.
 
Napaka-positive ng attitude ni Derrick offcam kaya naman hindi halatang marami siyang pinagdaanang heartbreaks. Dahil dito, tinanong namin ang teen actor kung paano niya nalampasan ang mga pagsubok na ito.
 
Ibinahagi ni Derrick ang kanyang ultimate move on tip. “Ako kasi 'yung ginagawa ko po, iniisip ko lang na sila 'yung nawalan,” anang The Half Sisters star.
 
“Napakalaking step noon para maka-move on kasi siyempre kapag inisip mo na sila 'yung nawalan, parang sila 'yung naghahabol sa 'yo,” paliwanag ni Derrick.
 
Bukod daw sa tip na ito, payo rin ni Derrick na huwag paikutin ang mundo sa isang tao lamang. Saad niya, “Huwag masyadong ibigay ang sarili sa minamahal.”
 
Ayon kay Derrick, effective daw ang kanyang move on tips. “Siyempre kapag nakikita mo siya, naroon pa rin 'yung feelings. Days lang 'yung pain pero 'yung longing [ay] medyo matagal,” paglilinaw ng teen star.