Showbiz News

Marian Rivera is OFW’s top choice for favorite actress

By AEDRIANNE ACAR
 
Kapuso Primetime Queen Marian Rivera added another award to her growing list of recognitions.
 
Kahapon tinanggap ni Marian ang pagkilala bilang Overseas Filipino Workers’ Choice Awardee as Favorite Actress sa OFW Gawad Parangal. Nakakataba daw ng puso para sa Kapuso actress na kinilala siya ng mga kababayan natin na matiyagang nag-ta-trabaho sa ibang bansa.
 
Dagdag pa ng soon-to-be Mrs. Dantes na masaya siya na sa maliit na paraan ay napapasaya daw niya ang mga ito.

@therealmarian, “Marami pong Salamat sa lahat ng bumubuo ng OFW Gawad Parangal, isang karangalan po ang isa sa mga napili ninyong Overseas Filipino Workers' Choice Awardee as Favorite Actress, nakakagalak isipin na sa kahit maliit na paraan ko bilang isang artista ay napapaligaya ko kayo, kaya't sa lahat ng mga mahal nating nasa ibang bansa para mag trabaho at mabigyan ng magandang buhay ang pamilya nila, talagang kahanga-hanga kayo at dapat ipagmalaki sa inyong pagsisikap. Saludo ako sa inyo! Nawa'y patnubayan at pagpalin pa kayo ng Poong Maykapal.”
 

With just 16 days to go before DDay, abala na kahit ang mga guest nila DongYan for their big wedding this December 30.
 
Sa katunayan, nag-fit na ng kanilang mga susuotin na gown with premier designer Ivan Aseron sina Ana Feleo na maid of honor at KC Concepcion na secondary sponsor.