Showbiz News

Ano ang ireregalo ng 'Mean Girls' sa isa't-isa?

By MICHELLE CALIGAN

 
Break muna sa pagiging mean girls ng More Than Words sina Stephanie Sol, Mayton Eugenio at Coleen Perez ngayong Pasko dahil magiging Santa sila sa isa't-isa.
 
Si Stephanie, who plays Belle, iisa lang ang naiisip na regalo para kay Coleen dahil ito raw ang kinokolekta ng kanyang co-star.
 
"Kay Coleen malamang snow globe ulit (laughs). Magpapa-customize ako ng snow globe. Ipapasok kita, lalagyan ko ng styrofoam tapos ikaw na ang iikot! May exercise ka pa!" patawa niyang kuwento.
 
Marami naman siyang gustong ibigay kay Mayton na lagi raw nagda-diet.
 
"Gagawa ako ng chocolate tapos veggie 'yung itsura para malinlang ko siya. Broccoli pero white chocolate talaga siya, may kulay lang. Para makakain naman siya ng hindi niya alam. Or pandikit sa pilik mata, or toothpick para hindi makatulog kapag alas tres na!"
 
Coleen also has something diet-related for Mayton. "Kunwari mayamang mayaman ako, bibigyan kita ng juicer para hindi ka na mahirapan."
 
Dahil magkasunod daw ang kanilang birthday at parehong Aquarius ang kanilang zodiac sign, planner ang ibibigay ni Coleen kay Steph.
 
"Parang nakikita ko kay Steph na we have the same type of personality. Nakakasabay ko siya for VTRs for years and I don't know that Stephanie Sol, at after ilang months naka-work ko na pala siya. Sabi din ng handler niya, magkakasundo kami, at nagkasundo nga kami ng bonggang bongga kasi pareho kaming masipag. Lahat ng sabihin mong events, go agad."
 
Kahit pinagkakatuwaan ang kanyang pagda-diet, masaya naman si Mayton na hindi sumusuko ang dalawa sa pagyaya sa kanya na kumain.
 
"In all fairness hindi sila nagsasawang yayain ako, bigyan ng chocolate. Kasi ang ibang kaibigan ko, minsan na-hurt na ako kasi minsan gusto ko, pero hindi na nila ako binibigyan. 'Ayaw mo naman nito eh.'"
 
Hindi pa raw niya alam kung ano ang ibibigay kina Steph at Coleen, pero siguradong something personal ito.
 
"Ang hirap, pero gusto ko something personal and different. Kasi tuwing taping nagdadala naman ako ng food at natitikman naman nila."