Showbiz News

Manilyn Reynes reunites with ex-boyfriend Keempee de Leon in 'Once Upon A Kiss'

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Ang tambalan nina Manilyn Reynes at Keempee de Leon sa That's Entertainment ay isa sa mga pinakasikat na love team noong late 80s. Ang kanilang chemistry onscreen ay nadala nila off-screen, pero hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon.

Pagkatapos ng maraming taon, muling magsasama sa isang teleserye ang dalawa bilang mga magulang ni Bianca Umali sa Once Upon A Kiss.

"Okay naman. Actually hindi ko pa alam kung papaano, although nag-work naman na kami before even after noong kabinataan at kadalagahan days namin, Pero never pa sa dramahan, never pa ulit after a long time. Kasi 'yung mga dati,  [sa] 'Young Love, Sweet Love', mga light lang. Ito medyo mabibigat ang mga eksena," kuwento ni Manilyn sa GMANetwork.com during the show's pictorial.

Aside from her ex-boyfriend, marami pang ibang artista na dating nang nakatrabaho ni Manilyn ang makakasama niya sa naturang primetime series.

"Si Mommy Novs (Nova Villa) naman kasama ko sa Pepito [Manaloto] at naging nanay ko na rin siya ilang beses na mga pelikula at TV show. Tapos si Tita Tessie (Tomas) is the ninang of my second son. Magkatrabaho din kami before, kaya parang reunion ito. Si Cris Villanueva naman kasama ko sa That's before, ka-love team siya ni Tina (Paner)."

Looking forward din siya sa mga first time niyang makakatrabaho, kabilang na sina Miguel at Bianca.

"I'm looking forward to working with them na. Excited nga ako kasi napapanood ko sila dati sa Niño, and now I'll be working with them. Ka-acting-an ko sila so excited ako."

Ano naman ang masasabi niya sa main kontrabida ng show na si Mylene Dizon?

"Hindi ko siya gaanong nakatrabaho noon pero okay kami. Handa na [ako sa mga sampal niya]! Handa na ba siya sa akin?"