Showbiz News

Kristoffer Martin, bagong bahay at kotse ang regalo sa sarili ngayong Pasko

By AL KENDRICK NOGUERA
 
Matagal din ang hinintay ni Kapuso actor Kristoffer Martin para makapag-ipon at makapagpundar ng sariling sasakyan at bahay. Pagkatapos ng ilang taong paghihintay, hindi siya makapaniwala na natupad na rin ang kanyang mga pangarap.
 
Ayon kay Kristoffer, first time ng kanyang pamilya na magse-celebrate ng Pasko sa kanilang bagong bahay. Aniya, “Gawa na 'yung bahay na ipinapagawa namin sa Olongapo [City]. So doon kami lahat magki-Christmas ngayon 'tsaka magnu-new year kasama ang buong family,” saad niya.
 
Noong October huling nag-post si Kristoffer ng ginagawang bahay sa kanyang Instagram. Buti na lamang daw ay natapos ito agad at umabot ngayong Pasko.
 
 
Linaw ni Kristoffer, hindi naman daw siya ang lahat ng gumastos sa pagpapagawa ng bahay pero malaki ang naiambag niya. “Actually naghati kami roon ni Daddy. Siyempre may kanya-kanya rin naman kaming binabayaran at si Daddy may work din naman so hati kami roon,” anang teen star.
 
Bukod sa bahay, may nauna pa palang iniregalo sa sarili ang Healing Hearts star. Kamakailan lang kasi ay nakabili na siya ng sariling sasakyan.
 
 
Bahagi ni Kristoffer, nagulat na lang daw siya sa investments niya ngayong taon. “'Yung bahay and 'yung kotse, hindi siya part ng plinano ko ngayong taon na 'to pero nariyan na,” pagtatapos ng Healing Hearts star.