Showbiz News

Alonzo Muhlach, gustong sundan ang yapak ni Niño

By CHERRY SUN

 
Tila manang mana si Alonzo Mulach sa kanyang ama na si Niño. At kung si Niño ang child wonder noong dekada '70 at '80, si Alonzo naman daw ang boy wonder ngayon.
 
“You know, if you be artista, you got a lot of fans,” pahayag ng 4-year-old actor sa 24 Oras.
 
At nang siya’y tanungin kung marami na siyang fans, aniya, “Everyone is making picture.”
 
Alam ni Alonzo na dating child star ang kanyang ama at nais din daw niyang gawin ang mga nagawang pelikula nito na napanood niya.
 
“Kasi sa movie niya po, Peter Pandesal tapos Kuwatog,” kuwento ni Alonzo habang ginaya ang pagtawa ni Kuwatog.
 

Excited na si Alonzo na mapanood ang My Big Bossing. Nag-enjoy raw siya sa paggawa ng pelikula dahil mabait daw si Bossing Vic Sotto.
 
Ano naman kaya ang masasabi niya tungkol sa kanyang co-star na si Aleng Maliit?
 
“Kasi po ang bait-bait po ni Ryzza,” sabi ni Alonzo.