Showbiz News

Kasama ninyo hanggang Pasko ang 'Christmas Cartoon Festival Presents'

By MARAH RUIZ

 
Nagpapatuloy pa rin ang Christmas Cartoon Festival Presents na kasama ninyo tuwing umaga. Narito naman ang mga kuwentong magpapatunay na ang pagiging kakaiba ay hindi hadlang sa pagiging isang mabuting mamamayan at sa pagtulong sa ibang nangangailangan. 
 
Tuklasin ang kapalaran ni Joshua, isang tupang pilay sa The Crippled Lamb sa December 22.
 
Ano kaya ang sikreto sa sako ng malaking mamang ito? Alamin sa The Smurfs: The Magic Sack of Mr. Nicholas sa December 23.
 
Panoorin naman ang isa pang American Christmas classic- ang Rudolph the Red-nosed Reindeer sa December 24 and 25. 
 
Tunghayan naman kung paano nabuo ang candy cane na lagi nating nakikita tuwing Pasko sa The Legend of the Candy Cane sa December 26.
 
Manood lamang ng Christmas Cartoon Festival Presents, Lunes hanggang Biyernes, 8:30 ng umaga. Dito lang sa GMA!