Showbiz News

2014 is a banner year for Pepito!

By AEDRIANNE ACAR

 
Humakot ng mga parangal mula sa iba’t-ibang award giving bodies ngayong taon ang Saturday night comedy series na 'Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.'
Spearheaded by their creative director and comedy genius Michael V, higit na mas masaya ang mga Linggo natin with the funny cast of 'Pepito Manaloto.'
 
March 2014 nakamit ng show ang Outstanding Comedy Program sa 5th Golden Screen Awards for TV. Kinilala ang galing nina Nova Villa at Michael V na tinanghal na Outstanding Supporting Actress in a Gag or Comedy Show and Outstanding Performance by an Actor in a Gag or Comedy Program.
 
Nasungkit din nina Bitoy ang Kagitingan Awards for Television last April na iginawad ng Bataan Peninsula State University. Napili ang 'Pepito' na makasama sa sampung programa na nagpapakita ng kagitingan or valor.
 
Nag-uwi din ng parangal sa 38th Catholic Mass Media Awards noong Oktubre ang 'Pepito Manaloto' matapos kilalanin bilang Best Comedy Program.
 
Kaya sa lahat ng mga televiewers na patuloy na sumusubaybay po sa 'Pepito Manalaoto' maraming, maraming sa inyong suporta mga Kapuso!