Showbiz News

Mindanao bets take the spotlight!

By AEDRIANNE ACAR
 
One week from now makikilala na natin ang mga ultimate champions ng Bet ng Bayan. Kaya naman matindi ang naging bakbakan kagabi sa Tagum City, Davao del Norte sa Semi-Final leg ng pinakamalaking talent search competition ng bansa.
 
Sa Mindanao kaya manggagaling ang mga mananalo sa Bet ng Bayan Grand Finals, Pilipinas Showdown?
 
Bagama’t lahat ay deserving para sa titulo, tatlo lamang ang umusad para i-represent ang buong rehiyon sa Grand Finals.
 
At ang mga nagwagi ay sina Kierulf King Raboy mula sa Sultan Kudarat, D’ Gemini na tubong Panabo City, Davao del Norte at Jomar Abjelina na galing Davao City.
 
Pinamalas ni Kierulf ang galing niya na nagpanalo sa kanya noon sa Popstar Kids. Now that he is all grown up, he is ready to take on the bigger competition kaya taob ang kanyang kalaban na si Sherwin.
 
Wala rin nagawa ang Blacksheep mula Iligan City sa combination ng power twins na sina Kakai at Mamai. Precise at energetic ang mga ginawang routine ng D’ Gemini sa entablado na nagbigay sa kanila ng panalo bilang bet sa sayawan ng Mindanao.
 
Isa namang nagbabagang performance ang nasaksihan ng manonood mula kay ‘Fire bender’ Jomar Abjelina. Kamangha-mangha ang ginawa ni Jomar na sa pamamagitan ng pag-aaral niya ng vocational course sa welding ay nakagawa siya ng isang world-class performance sa pagkontrol ng apoy.
 
Humanda na ang mga bet ng Luzon, Visayas at Mega Manila dahil tiyak hindi uurong ang mga taga-Mindanao sa darating na Grand Finals sa December 28.