GMA Logo Angel Guardian and Kyline Alcantara
What's Hot

Angel Guardian, Kyline Alcantara, nagpabilib ng kantahin ang 'Sang'gre' at 'My Love from the Star' OSTs

By Aimee Anoc
Published October 28, 2025 3:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Belgium train collides with school bus, killing several people, source says
One Western Visayas: May 26, 2026 | Livestream
BTS wins Artist of the Year at AMAs 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Angel Guardian and Kyline Alcantara


Ano kaya ang nararamdaman nina Angel Guardian at Kyline Alcantara matapos ang kanilang performance sa OST Symphony II: K-Drama in Concert? Alamin dito.

Kapwa pinahanga nina Kapuso stars Angel Guardian at Kyline Alcantara ang manonood sa naganap na OST Symphony II: K-Drama in Concert noong Sabado, October 25, sa Samsung Hall, SM Aura nang kantahin ang soundtracks ng ilang Kapuso shows.

Makapanindig balahibo ang powerful rendition ni Angel sa "Bagong Tadhana," ang theme song ng pinagbibidahan niyang superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Ayon kay Angel, hindi pa rin siya makapaniwala na naawit niya ang official soundtrack ng Sang'gre kasama ang leading orchestra ng bansa na Philippine Philharmonic Orchestra.

Sa interview kay Aubrey Carampel ng 24 Oras, sinabi ni Angel na dream come true ang performance niyang ito.

"Talagang napakalaking karangalan po. Pangarap ko lang 'yon, and then may na tick na naman ako sa boxes sa goals ko o gusto kong magawa. Medyo paos pa rin po ako ngayon pero thank God dahil nairaos ko," sabi ng aktres.

Kuwento pa ni Angel, bago ang performance ay kumuha siya ng voice coach para mas makapagbigay ng makabuluhang performance.

Hindi rin nagpahuli si Kyline Alcantara sa kanyang heartwarming version ng "My Destiny," ang theme song ng Philippine adaptation ng hit K-drama na My Love from the Star.

"I'm such a K-drama fan kaya sobrang isang malaking karangalan, and I'm such a fangirl right now. I hope na magkaroon pa po ako ng mga ganitong experience pa in life," sabi ni Kyline.

Ang nasabing event ay collaboration ng National Commission for Culture and the Arts at Korean Cultural Center of the Philippines.

SAMANTALA, MAS KILALANIN SI ANGEL GUARDIAN SA GALLERY NA ITO: