Showbiz News

John Prats at Isabel Oli, gusto ng malaking pamilya

By MARY LOUISE LIGUNAS

Unang Pasko ngayon nina John Prats at Isabel Oli bilang engaged couple. Bagamat sa May 2015 pa nakatakda ang kasal nila, alam na ni Isabel na gusto niya magkaroon ng malaking pamilya.

Kinuwento niya sa Unang Hirit na gusto sana niya ng tatlong anak dahil galing rin siya sa isang malaking pamilya.

Malamang din daw ay mag la-lie low muna siya sa showbiz ngayong darating na 2015 at mas pagtutuunan ng pansin ang negosyo nila ni John.

Small wedding ang balak nila at gaganapin ito sa lugar ng mga Prats. Posible ring rustic romantic ang theme nito.

Hindi pa na-fa-finalize ng showbiz couple ang kanilang entourage at ibang detalye ng kasal.