Showbiz News

Noche Buena with the stars

By ANN CHARMAINE AQUINO
 
Paano sinalubong ng ilang sikat na artista ang Pasko ngayong taon?

Ipinasilip ito ng Unang Hirit, pati na rin ang mga taong nakasama nila sa Noche Buena.

Solenn Heussaff

Nagkaroon ng intimate family dinner ang mga Heussaff na ibinahagi ni Solenn sa kanyang Instagram account. Dito ipinakita ng TV host/ actress na bagama’t wala ang kanyang fiance na si Nico Bolzicco, naging masaya ang kanilang Noche Buena sa kanilang tahanan.


Lovi Poe and Rocco Nacino

Ipinakita naman ni Lovi Poe ang kanyang first time na pagsalubong sa Pasko sa kanilang tahanan kasama ang kanyang pamilya. Kasama niya sa pag-celebrate ngayong taon ay ang kanyang boyfriend na si Rocco Nacino.


Kris Aquino

Kumpleto naman ang buong Aquino family sa Noche Buena. Ito ang  ipinakita ni Kris Aquino sa kanyang Instagram post kung saan binati niya ang lahat ng taong gumugunita sa araw ng Pasko.


Vic Sotto and Pauleen Luna

Isang sweet photo naman nina Pauleen Luna and Bossing Vic Sotto ang ibinahagi sa Instagram. Isang masayang pagbati naman sa araw ng Pasko ang hatid ng dalawa.


Narito ang report ng Unang Hirit: