Showbiz News

Pasiklaban na sa 'Bet ng Bayan' Grand Finals, Pilipinas Showdown!

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
After months of grueling and intense competition, magsasalpukan na ang mga representatives ng Mega Manila, Luzon, Visayas at Mindanao sa Bet ng Bayan Grand Finals, Pilipinas Showdown sa darating na Linggo (December 28), sa Music Hall ng Mall of Asia.
 
Kanino kayang pangarap ang matutupad at sino-sino sa mga contestants ang mag-uuwi ng half a million pesos na grand prize. Tara at kilalanin mga Kapuso ang mga kakatawan sa inyong mga lugar sa Grand Finale.
 
Mighty Mega Manila
 
Pinatunayan nila Veronica Atienza (Bet sa Kantahan), A’s Crew (Bet sa Sayawan) at Techno Jazz (Bet sa Kakaibang Talento) ang husay nila sa entablado.
 
Hindi magpapatalo ang reggae singer extraordinaire na si Veronica sa mga singers na haharapin niya sa Grand Pilipinas Showdown. Ang Marine Biology graduate from Australia will definitely unleash her vocal prowess to win in this competition.
 
Titilian panigurado ang hanep na dance moves ng A’s Crew ng Muntinlupa City at hindi sila basta-basta magpapasindak kanino man.
 
Abangan niyo rin ang makapigil-hininga na mga stunts ng all beki group na Techno Jazz dahil isang ultimate performance ang mapapanood niyo sa Music Hall ng MOA this Sunday night.  
 
Luzon Power
 
Handa na rin para sa Grand Finale ang Team Luzon. Led by the Pangasinan power belter Renz Robosa.
 
Kasama ni Renz na magtatayo ng bandila ng Luzon ang Camarines Sur dance group na UNEP Dance Club. Ang lahat ng miyembro nito na pawang mga estudyante ng University of North Eastern Philippines will light the dance floor ablaze para masungkit ang kampeonato.
 
Tutukan niyo rin mga  Kapuso ang nakakabilib na performance ng super contortionist mula sa Benguet na si Jason Ivan Sobremonte.
 
Luzon finalists are ready to bring home the crown this Sunday!
 
Victorious Visayas 
 
Walang bagyo ang magpapatumba sa mga pangarap ng mga taga-Visayas para manalo sa finale.
 
Tulad ng Boholano singer na si Hannah Precillas. Handog daw niya ang kanyang final performance para sa yumao niyang ama at inang nag-aruga sa kanya. Hannah is determined to win the crown and get the recognition as the last singer left standing!
 
Asam din ng Cebu pride na Don Juan ang titulo sa bet sa sayawan. Kaya raw wala silang sasantuhin kapag tumapak na sa stage dahil taob daw ang lahat sa pasabog nilang dance moves.
 
Nakilala si Mang Gerard bilang ‘Master of Pain,’ kaya sa mga makakalaban daw niya sa Pilipinas Showdown dapat maghanda na kayo dahil ang tunay na kampeon sa kakaibang talento will leave you breathless sa kanyang nakakamangha na routine sa Finale.
 
Mindanao Pride
 
Panahon na raw ayon sa mga taga-Mindanao na makilala sila. Kaya hindi sila uurong sa Linggo at makikipagsabayan sa mga Bet ng Bayan contestants mula sa iba’t-ibang panig ng bansa.
 
Ang crush ng bayan na si Kierulf King Raboy na tubong Sultan Kudarat ay lalaban ng buong puso kina Veronica, Renz at Hannah para sa titulo. Ipapamalas ni Kierulf ang angking galing niya sa Pilipinas Showdown na nagpanalo sa kanya sa Popstar Kids.
 
Bigay todo rin ang dynamic twin mula Panabo City, Davao del Norte na D’ Gemini para masungkit ang korona at tanghalin bilang best dance group sa Grand Finale.
 
Maglalagablab ang Davao’s best na si Jomar Abjelina para kilalanin ng mga judges na bet sa kakaibang talento. Magugustuhan ninyo mga Kapuso ang hinanda niyang special performance with his fire dancing skills.
 
So mark your calendars and watch for the ultimate entertainment experience this Sunday sa Bet ng Bayan Grand Finals, Pilipinas Showdown pagkatapos ng Kapuso Mo Jessica Soho.