Showbiz News

Kapuso Year in Review: Mga umalis at mga nagbabalik Kapuso

By ANN CHARMAINE AQUINO 


Aljur Abrenica 
Ginulat nang lahat nang maghain ng reklamo ang aktor na si Aljur Abrenica noong July 2014. Ito ay patungkol umano sa hindi niya pagsang-ayon sa takbo ng kanyang career. Sa isang balita, sinabi naman ni Aljur na bukas siya sa pagbabalik trabaho sa GMA.
 
Empress Schuck
Balik-Kapuso naman ang talented actress na si Empress Schuck. Matatandaang napasali ang aktres sa 'Etheria,' ang second book ng 'Encantadia' noong taong 2005, at sa taong 2015 ay magbibida ito sa programang, 'Kailan ba Tama ang Mali?'
 
Sarah Lahbati
April 2014 nang magbalik sa kanyang home network ang Kapuso star na si Sarah Lahbati. Ito ay matapos ang kabi-kabilang reklamong isanampa ni Sarah against her home network.  Sa kanyang pagbabalik ay ang kanyang pag-amin patungkol sa issue pagdadalang-tao at pag-introduce sa mga viewers sa kanilang anak na si Zion. 
 
Kiko Estrada
This September, nagbabalik Kapuso ang showbiz royalty na si Kiko Estrada. Unang nakita si Kiko sa 'Tween Hearts' at ngayong taon ay nabigay sa kanya ang proyektong 'Strawberry Lane' kung saan katambal niya ang napapabalitang girlfriend niyang si Kim Rodriguez.
 
Iya Villania
"It’s nice to be back." Ito ang naging pahayag ng nagbabalik Kapuso na si Iya Villania. Matatandang sa GMA nagsimula ang Kapuso actress kung saan niya unang nakatambal ang kanyang asawa na si Drew Arellano. Kasalukuyang nag-pe-perform si Iya sa 'Sunday All Stars' at siya rin ang bagong kasama ni Solenn Heussaff sa 'Taste Buddies.'
 
Jolina Magdangal-Escueta
Lumipat si Jolina sa GMA Network noong taong 2002 at dito nagkaroon siya ng ilang proyekto kung saan naipamalas niya ang kanyang husay sa pag-arte, pag-host, at pag-perform. Ginulat naman ni Jolina ang lahat nang magdesisyon siyang lumipat ng network nitong October 2014. 

Wowie de Guzman
Matagal na nagpahinga sa mundo ng showbiz ang former Universal Motion Dancer member na si Wowie de Guzman; kaya naman natuwa siya sa kanyang pagkakapasok sa GMA Network. Sa kanyang pagbabalik sa mundo ng pag-arte, isang Afternoon Prime soap na 'Yagit' ang nagpakaba umano sa aktor. Aniya, "Kinakabahan [ako] kasi dito [ay] kontrabida ako. Siyempre nasanay sila na mabait ako lagi."
 
James Blanco
Isang homecoming rin ang naganap para sa Kapuso actor na si James Blanco matapos nitong bumalik sa pagiging Kapuso after nine years. Sa kanyang homecoming, naibigay sa kanya ang isa sa mga bagong Afternoon Prime show ng GMA, ang 'Yagit.'
 
Isabelle Daza
Isang nakakagulat na announcement ang hatid ni Isabelle Daza sa 'Eat Bulaga' ng ipaalam niya ang kanyang biglaang pag-alis. Bagamat nakalipat na, nananatili pa rin siyang mabuting kaibigan sa kanyang mga nakatrabaho. Isa sa kanyang mga iniwang programa bukod sa 'Eat Bulaga' ay ang GMA News TV show na 'Taste Buddies.' Dito personal na ipinasa ni Isabelle ang korona sa bagong co-host ni Solenn Heussaff na si Iya Villania.