Showbiz News

Jennylyn and Ryzza Mae bag major awards at the 40th MMFF

By AEDRIANNE ACAR
 
Angat muli ang galing ng mga Kapuso talents sa katatapos pa lang na awards night ng 40th Metro Manila Film Festival.
 
Itinanghal na Festival Best actress ang 'Starstruck' alumna at 'Second Chances' lead star na si Jennylyn Mercado para sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang 'English Only, Please.' Katambal niya ang hunk na si Derek Ramsay na nakamit ang Best Actor award. Nanalo rin ang pelikula nila as Second Best Picture.
 

Sa kanyang acceptance speech, nagpasalamat si Jen sa diyos at sa mga nakatrabaho niya. “Lord, magandang Christmas gift 'to thank you po. Sa lahat po ng bumubuo ng 'English Only, Please' maraming maraming salamat.”
 
Nanalo din si "Aling Maliit" Ryzza Mae Dizon para sa kategoryang Best Child Performer para sa pelikula nila ni Vic Sotto na 'My Big Bossing.'

 
Litaw ang ganda ni Ryzza suot ang kanyang red dress kung saan kasama niya bilang escort sa awards night ang cute na cute na si Alonzo Muhlach.
 
Base sa post niya sa Instagram, nagpasalamat si Ryzza sa mga dabarkads na patuloy na sumusuporta sa kanya.
 
@ryzzamaechacha “Mga Dabarkads para po sa inyo ito. Sa lahat po ng nanood ng my big bossing maraming salamat po. Sa mga hindi pa po nakakanood, nood na po kayo??????”
 
 
 

Humakot din ng tropeyo ang pelikula na pinagbibidahan ng Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na 'Kubot: The Aswang Chronicles 2,' matapos ito mag-uwi ng anim na parangal sa 2014 Metro Manila Film Festival nitong Sabado ng gabi.
 
Itinanghal na Best Supporting Actress ang former 'Kambal Sirena' star na si Ms. Lotlot de Leon na naging emosyonal dahil una daw niya itong acting award. Nasungkit din ng actor/comedian/politician Joey Marquez ang Best Supporting Actor.
 
Pinabilib din ng 'Kubot' ang mga hurado dahil sa ganda ng production value nito matapos makamit ang mga parangal for Best Visual Effects, Best Production Design, at Best Make Up.
 
Hindi maitago ng husband-to-be na ikakasal sa December 30 to his long-time girlfriend Marian Rivera ang tuwa sa tagumpay na nakamit ng kanilang pelikula.
 
Sa Instagram post ng Kapuso Primetime King, nagpa-abot ito ng pagbati sa lahat ng cast at crew na bumubuo sa Kubot.
 
@dongdantes “Isang matinding apir sa lahat ng bumubuo ng #Kubot ! Congratulations to everyone.”
 

Kinilala din ang 'Kubot' bilang Third Best Picture sa Metro Manila Film Festival at nakuha naman ng pelikula ni Robin Padilla na 'Bonifacio: Ang Unang Pangulo' ang award for Best Picture.