Showbiz News

Jaclyn Jose, bentang benta sa young co-stars

By MICHELLE CALIGAN
 
Bukod sa love story nina Hiro at Ikay, isa pa sa mga inaabangan gabi-gabi sa More Than Words ay ang mga linya ni Aling Precy, ang nanay ni Ikay, played by Jaclyn Jose.
 
Kahit daw hindi pa take ay maraming baong hirit si Jaclyn, kaya tuwang tuwa sa kanya ang kanyang young co-stars tulad nina Stephanie Sol at Mayton Eugenio.
 
“Grabe, sobrang idol. Bentang benta!” ang sabay nilang sagot nang aming tanungin kung ano ang masasabi nila sa comedy ng batikang aktres.
 
Kinuwento pa ni Mayton ang nangyari sa isang rehearsal take nila.
 
“May scene kami na may confrontation. It was the three of us and her, tapos we had to show her pictures of Hiro and Ikay. Rehearsal take, but it was really my phone that was used to take the picture. So nang binigay ko ‘yung phone, unang una, pinindot niya. Sabi niya, ‘Ano’ng keypad lock?’”
 
Nasundan pa raw ito nang biglang tumawag ang kanyang ina na si Geleen Eugenio.
 
“Maya-maya tumatawag si Mommy. Hindi naman niya sinagot pero sabi niya, ‘Geleen, mamaya ka na tumawag. Nagtatrabaho kami.’ Sobrang nakakatawa siya.”
 
Dagdag naman ni Stephanie, "Kinakabahan ako kasi hindi mo alam kung kailan siya galit o nagpapatawa ba siya. Mahilig siyang mang-trip.”
 
Huwag palampasin ang More Than Words, pagkatapos ng 24 Oras, gabi-gabi sa GMA Telebabad.