Showbiz News

Ang mga kailangang magbago this 2015 sa 'The Half Sisters'

By AL KENDRICK NOGUERA

 
Napakabilis ng panahon dahil isang tulog na lang ay bagong taon na! Nagpapasalamat ang nangungunang daytime show na 'The Half Sisters' sa mga manonood dahil sa suportang ipinakita ninyo mula nang magsimula ang show noong June. Dahil hindi ninyo binatawan ang mga eksena sa Afternoon Prime soap, matagal pa ninyong makakasama ang mga paboritong ninyong characters—hanggang 2015 pa kayo magkikita-kita!
 
Pero bago 'yan, alamin muna natin kung sino-sino sa 'The Half Sisters' cast ang kailangang magbagong-buhay ngayong New Year. Kung nakaraan ay inilista ng GMANetwork.com ang mga dapat regaluhan ni Santa Claus, ngayon naman ay binalikan namin ang evil plans ng inyong mga kinaiinisang kontrabida.
 
Sinu-sino kaya ang kabilang sa mga kailangang magpakabait this 2015? Tignan ang aming listahan.
 
Alfred (Ryan Eigenmann)
Nangunguna sa listahan si Alfred. Siya kasi ang pasimuno ng lahat kaya't nagkawatak-watak ang mag-iinang sina Rina, Ashley, at Diana. Noong nalaman niyang hindi niya anak si Diana, labis ang pagpapahirap ang ibinigay niya rito. At dahil anak pala ng mayamang si Benjie si Diana, ninais niyang makuha ang pera nito sa pamamagitan ng pagsisinungaling na si Ashley ang tunay na Valdicaña. Sa sobrang sama ng Alfred, kaya niyang pumatay kahit pa kabilang dito ang kanyang asawa.
 
Ashley (Thea Tolentino)
Like father, like daughter ang tamang decsription ni Ashley. Nahawa na kasi siya sa ama sa kasamaan ng ugali. Nag-umpisa ang galit ni Ashley sa kapatid na si Diana noong bata pa sila. Nagseselos kasi siya dahil mas binibigyan ng atensyon ni Rina ang kakambal. Dahil dito, hanggang sa paglaki ay ibinaon ni Ashley ang bigat sa dibdib kaya't puro paghihiganti na lang ang nasa isip. Lahat din ng utos ng ama ay sinusunod niya kahit mali.
 
Jackie (Vaness del Moral)
Nang mabulag si Rina, si Jackie ang naging kabit ni Alfred. Noong una ay nagpanggap pa siyang katulong sa bahay nina Rina para hindi sila mahalata. Pero nang malaman na ni Rina ang kanilang pagtataksil, imbes na umalis si Jackie ay lalo pa siyang nanatili sa bahay nina Alfred at pinahirapan pa si Rina. Dahil parehong masama ang ugali, laging nag-aaway sina Jackie at Ashley.
 
Sa mga ipinakitang kasamaan nina Alfred, Ashley, at Jackie, ano kaya ang karapat-dapat nilang matanggap ngayong 2015? Magbabago na ba sila o patuloy silang magpapaikot ng nga taong nasa paligid nila?
 
Alamin ang mga sagot sa katanungang ito sa pamamagitan ng pagsubaybay sa 'The Half Sisters', weekdays afterEat Bulaga on GMA Afternoon Prime.