Showbiz News

Kuya Germs suffers mild stroke



(Updated, 5:01 p.m.) Sa panayam ng radio dzBB kay Chuchi Fajardo, sekretarya ng anak ni Kuya Germs na si Federico, nagkaroon ng mild stroke ang Master Showman dahil sa matinding pagod.  

Mabuti raw ang kalagayan ni Kuya Germs sa Acute Stroke Care Unit (ASCU) ng St. Luke's Medical Center sa Quezon City at nakakausap na muli pero bawal muna siyang bisitahin upang makapagpahinga.
 
Kailangan daw ngayon ni Kuya Germs ng kumpletong pahinga habang nagpapagaling sa ospital.

Kasalukuyang bumabaha ng get well soon messages sa Twitter.

Sa ulat ng GMA News TV Live, under observation pa ang veteran TV host.

Narito ng ulat:
 

Sa programang Startalk, binati ng hosts si Kuya Germs at nagbilin na magpagaling itong mabuti.

"Get well soon," ani Butch Francisco.

"Rest. Bawal muna ang 'Walang Tulugan'," sabi ni Manay Lolit Solis, na may konting pahaging sa very late show ni Kuya Germs.