Showbiz News

Moymoy, gustong bumalik si Ogie Alcasid sa 'Bubble Gang'

By AEDRIANNE ACAR 
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Sa halos anim na taong pinapasaya ng comedy duo na Moymoy Palaboy ang milyong-milyong Kapuso fans sa hit show na Bubble Gang, hindi pa rin daw makapaniwala si James Ronald (Moymoy) na nakakatrabaho niya ang comedy genius ng bansa na si Michael V.
 
Aniya, “Well until now starstruck pa rin ako kay Kuya Bitoy kahit kasama na namin siya from 2008 [dito] sa Bubble Gang.”
 
Dagdag niya, “Six years na kami nandito - ang Moymoy Palaboy. ‘Yun ‘till now starstruck at sobrang saya. Sobrang iba si Direk Bitoy. Hindi siya tumitigil sa pag-explore at sa paghanap ng mga bago para sa audience.”
 
Sa pagdaan ng panahon marami na ring cast members ang umalis. Ilan sa mga ito ang songwriter at longtime Kapuso talent na si Ogie Alcasid, ang mga sexy comediennes na sina Francine Prieto at Diana Zubiri. 
 
Tanong namin kay James, sino-sino sa mga dati niyang nakasama sa gag show ang nami-miss niyang makasama tuwing taping?
 
Tugon ni Moymoy, “Oo nami-miss ko sila Maureen [Larrazabal], si Joy, si Diana Zubiri, 'yun ang mga naabutan namin eh, si Francine [Prieto]. Lalo na si Kuya Ogie [Alcasid]. Nami-miss ko si Kuya Ogie. Kuya Ogie balik ka na (laughs).”