Showbiz News

Rhian Ramos and Coach Gabriel Guerrero's guide to a fitter you

By ANN CHARMAINE AQUINO
 
Sa Sarap Diva, nagkaroon ng fitness chat si Regine Velasquez sa kanyang guests na sina Rhian Ramos at Coach Gabriel Guerrero. Sa kanilang pagdalaw, ipinakita nila ang mga techniques to get fit lalo na ngayong kakatapos lang ng holiday season.
 
According to Coach Gabriel, dapat tandaan na stretching ang pinaka-importante sa pagsa-start ng kahit anong workout.
 
"Kasi kapag minamadali niyo 'yung muscles natin as a person kailangan talaga papaghandaan 'yung movement. Hindi puwede 'yung basta sabak ka na lang ng sabak.

"Kunyari bagong gising lang kayo ang you're trying to do foot exercises in the morning siyempre tulog din 'yung muscles ninyo. Unti-unti nating gisingin. You can do that by stretching."
 
Dagdag naman ni Rhian, important rin na mag-stretch after workout. Aniya, "Stretching also helps you recover. Kasi 'yung blood flow napupunta talaga sa masasakit na areas."
 
Hindi lahat ay masipag mag-workout, kaya naman nagbigay si Rhian ng ilan sa kanyang mga ginagawa kapag nawawalan siya ng gana to do her usual fitness routine.
 
"Ako I love working out. Pero I think everyone naman [kung] minsan nacha-challenge na bumangon sa umaga [to] start moving. I have different ways, it's either I'll have a coffee first thing when I get up. Or may mga girl crush ako na tinitingnan ko muna 'yung mga photos nila bago ako mag-workout. Fitspiration!"
 
Sa mga gusto namang mag-switch sa healthier lifestyle this 2015, may isang tip na maibibigay ang very fit na Kapuso actress. 
 
Pahayag ni Rhian, "I would just say na sa totoo lang nagsisimula 'yan sa vanity e."
 
"Ako din nung nagsimula akong mag-work out dahil 'yun sa I wanted my body to look good pero noong na-feel ko na siya, what really keeps you at it is once na na-feel mo na lumalakas ka na and you feel lighter, you're really gonna stick to it. Mae-enjoy mo 'yun,"  pagtatapos ni Rhian.