Showbiz News

LJ Reyes, pinagsasabay-sabay ang TV, pelikula at teatro ngayong 2015

By AL KENDRICK NOGUERA
 
Sobrang blessed ni Kapuso actress LJ Reyes dahil sunod-sunod ang major projects na dumarating sa kanya ngayong 2015. Ngayon ay hinahati niya ang kanyang oras sa taping ng Yagit, sa shoot ng isang indie film at sa rehearsal ng isang stage play.
 
TV: Yagit
 
Last year pa nagsimula ang Yagit at ito ang naging hudyat ng pagbabalik drama ni LJ. Ginagampanan niya ang kontrabida role ni Flora na siyang nang-aapi sa mga batang Yagit. Three months nang umeere ang nasabing Afternoon Prime soap at maganda ang feedback ng viewers kaya’t inaasahan pa nila na magtatagal pa ang itatakbo nito.

Film: Anino sa Likod ng Buwan
 

Planado na sana ang bakasyon ni LJ sa ibang bansa noong holidays pero isang magandang balita ang pumigil sa kanya. Kinuha siya bilang main cast ng indie film na Anino sa Likod ng Buwan. Makakasama niya rito si Kapuso actor Luis Alandy. Wala pang official launch date ang pelikula dahil hanggang ngayon ay nagte-taping pa rin sila sa ilalim ng direktor na si Jun Lana.
 
Theater: Juego de Peligro
 

Sa unang pagkakataon ay papasukin ni LJ ang mundo ng teatro at ito ang latest project na tinanggap ng aktres. Ang Juego de Peligro ay Filipino adaptation ng sikat na pelikula sa Amerika noong 1988 na Dangerous Liaisons. Gagampanan ng Yagit star ang character ni Señora Teresa.
 
Sa kanyang Instagram post, iniimbitahan ni LJ ang lahat na panoorin ang Juego de Peligro na ipalabas mula February 20 hanggang March 8  sa Cultural Center of the Philippines.
 
 
Bago pa ang sunod-sunod na projects na ito, nag-ingay na ang Yagit star nang mag-pose siya bilang cover girl ng FHM Ladies’ Confessions last November.