Showbiz News

Betong Sumaya finds Direk Joyce Bernal 'sobrang cool'

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Unang nakasama ni Betong Sumaya ang batikang direktor na si Bb. Joyce Bernal sa primetime series na Genesis. Ngayon ay muli silang magkatrabaho sa Once Upon A Kiss na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.
 
"Magandang maka-work ulit si Bb. Joyce Bernal. Alam ko na ang style ni Direk pagdating sa work. Sobrang cool kasi niya eh. Kumbaga alam niya kapag fun, pero kapag work, work," kuwento ng actor-comedian sa GMANetwork.com.
 
Dagdag pa niya, "Ang galing niya mag-blocking, iba-block ka talaga nang maayos. Pero once na tapos na, hindi ka ma-intimidate eh. Mayroon kang [chance na magtanong na] 'Direk, puwede bang ganito?' Puwede ka mag-suggest, bibigyan ka talaga niya ng moment. 'Yan ang nakakatuwa kay Direk."
 
The Bubble Gang mainstay also revealed that he was supposed to be part of a teleserye right after his stint in Genesis, but it did not push through. Nevertheless, he is grateful for every acting opportunity that he gets.
 
"Sobra akong thankful talaga. Kasi after Genesis, mayroon sana dapat na ibang teleserye na hindi nagswak 'yung schedule, tapos ito. Nakakatuwa na nagtitiwala pa rin ang GMA, kasi hindi naman talaga lahat nabibigyan ng chance eh. Minsan magugulat ka na lang na ayun, nabigyan ka ng chance ulit. "