Showbiz News

Ano ang hiling ng ilang Kapuso stars kay Pope Francis?

By AL KENDRICK NOGUERA
 
Ngayon ang ikalawang araw ng pagbisita ni Pope Francis sa bansa. Nang dumating ang Santo Papa kahapon, mainit siyang sinalubong ng napakaraming Pilipino.
 
Hindi man personal na nasilayan si Pope Francis, marami pa ring Kapuso stars ang nag-welcome sa kanya sa pamamagitan ng kanilang social media accounts.
 
Ang ilan naman ay nagbahagi ng kanilang mga hiling kay Pope Francis sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras.
 
Ayon sa 'Yagit' star na si Paolo Contis, nagpadala raw siya ng letter para sa Santo Papa. Aniya, "One of friends ng mom [ko] is actually serving near the pope. So I wrote a letter, sealed it, and I hope he has the time to pray for me."
 
Naniniwala naman sina Derrick Monasterio at Krystal Reyes na mas mabubuhay ang pananalig ng mga Pilipino sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa. 
 
Saad ng 'The Half Sisters' star na si Derrick, "Isa itong way para magdasal tayo lalo at mas maging blessed 'yung ating country."
 
"Malaking inspiration na 'yan para sa mga kababayan natin," dagdag naman ni Krystal.
 
Parehong gustong makita nina Kristoffer Martin at Joyce Ching ang Santo Papa. Ani Kristoffer, "Gusto ko mismong makita si Pope personally."
 
"Sana kung gaano silang ka-excited makita 'yung Pope, ganoon [din] sila ka-excited magkaroon ng relationship talaga kay Lord," pahayag ni Joyce.
 
Ano naman ang hiling ni Janine Gutierrez? "Sana palagi niyang ipagdasal tayong mga Pilipino kasi we all have our own hopes and dreams pero siyempre gusto rin natin na bumangon as a country," sagot ng 'More Than Words' star.
 
Nang tanungin naman si Alden Richards, ipinagdarasal niya raw na sana ay wala nang dumating na disaster dito sa Pilipinas.
 
Ang hiling naman ni Rich Asuncion ay ang kaligtasan ng Santo Papa. "I just wish na magiging maayos ang lahat, magiging peaceful at walang magiging gulo. Sana [ay] makita ko siya," anang 'Yagit' star.