Showbiz News

Hollywood stars dumalo sa premiere ng docu-film ni Pacquiao sa Amerika

By AL KENDRICK NOGUERA
 
Maraming personalidad ang dumalo sa red carpet premiere ng documentary film ng Pambansang Kamao na“Manny” sa Hollywood, California noong January 21.
 
Sa Instagram post ni Manny Pacquiao, nagpasalamat siya sa mga nagpunta sa naturang Hollywood premiere.
 
 
Kabilang sa mga dumalo ay sina Emmy Award winner Jeremy Piven, singer na si Christina Millian, aktres na si Jessica Szohr at Filipino-American singer na si Anna Maria Perez de Tagle.
 
Hindi rin nagpahuli ang mga personalidad sa sports tulad ng dating boxer na si “Sugar” Ray Leonard, Mixed Martial Artist na si Chuck Liddell, Filipino Olympic skater na si Michael Martinez at ang Kapuso star na ngayo’y UCLA Bruin na si Kobe Paras.
 
 
Siyempre, todo suporta rin ang asawa ng Pambansang Kamao na si Jinkee Pacquiao.
 
 
Sa interview ng News To Go, ibinahagi ni Manny ang kanyang pagkamangha sa pagiging successful ng kanyang documentary film.
 
“I didn't imagine that I can walk in a red carpet in Hollywood so 'di ko lubos maisip. This is God's blessing. God is good all the time,” saad ng MP featuring Sport Science host.
 
Tampok sa "Manny" ang istorya kung paano naabot ni Pacquiao ang narating niya ngayon bilang nag-iisang eight-division world boxing champion. Bigating mga direktor din ang gumawa ng pelikula na sina Ryan Moore and Academy Award winner Leon Gast.
 
Video courtesy of GMA News