Showbiz News

Si Jose Manalo ang ‘Bossing’ sa buhay ni Boobay

By MARY LOUISE LIGUNAS
 

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Madalas man hinihila ni Jose Manalo ang upuan niya sa Celebrity Bluff, higit na nagpapasalamat si Boobay sa kanyang fellow Gangnam.
 
Bago pa man magkasama sa Celebrity Bluff, may malalim na na pagkakaibigan ang dalawa. Ngayong isang beses sa bawat linggo o mahigit pa ang kanilang pagkikita, mas lumalalim pa ang kanilang relasyon.
 
Ayon kay Boobay, kung paano si Vic Sotto kay Jose, ganun naman si Jose sa kanya. Wala itong sawa sa pagtulong at sa paggabay sa kanyang buhay pagpapatawa.
 
“Kumbaga alam na niya na galing ako sa [dati niyang pinanggalingan], nagsisimulang komedyante. So nakikita ko sa kanya [na] kung paano si Bossing sa kanya, ganun din siya sa akin,” kuwento niya.
 
Sobra-sobra raw kung tulungan ni Jose si Boobay, lalo na sa Celebrity Bluff.
 
“Hindi ka matatakot magbato ng jokes kasi alam niya na ‘pag waley 'yung sasabihin mo, susuportahan ka niya. Hindi niya papabayaan na bigla kang madapa. Tagasalo [ko siya],” dagdag ng komedyante.
 
Para sa Celebrity Bluff mainstay, hindi mapapantayan ang relasyon nila ng kanyang Kuya Jose. “[Kung si Bossing ang tumutulong sa kanya], parang pinapasa niya sa akin 'yung pagiging partner, mentor. Meron siyang ganung ugali,” aniya.