Showbiz News

Intimate Baguio wedding for Saab Magalona and Jim Bacarro

By AEDRIANNE ACAR

Baguio was the setting for the elegant wedding of Hindi Ka Na Mag-iisa actress Saab Magalona and her fiancé musician Jeremiah “Jim” Bacarro.
 
Ginanap ang intimate wedding ni Saab at Jim sa St. Ignatius Chapel, Philippine Military Academy sa Baguio kahapon.
 
Suot ni Saab ang isang immaculate white heart neckline wedding dress na ginawa ng renowned Filipino designer Sassa Jimenez. 
 
 
Mahigit tatlong taon na ang relasyon ng dalawa at magkasama sila sa isang indie rock band na ‘Cheats’ kung saan vocalist si Saab samantalang guitarist si Jim.
 
Noong March 2014 nag-propose si Jim kay Saab habang nagbabakasyon sa Japan ang dalawa kasama ang pamilya ni Saab.
 
 
Maid of Honor ni Saab ang kanyang ate na si Maxene at kasama naman sa mga groomsmen ang kanyang mga kapatid na sina More Than Words lead actor Elmo Magalona, Once Upon A Kiss star Frank Magalona at Arkin Magalona.
 
 
 
Kabilang sa siyam na bridesmaids ni Saab sina Miss World Megan Young at kapatid nito na si Hiram na Alaala actress Lauren Young.
 

Tumayo namang isa sa mga ninong nila ang matalik na kaibigan ng yumao nilang ama na si Francis M, ang Kapuso comedian na si Michael V.
 
 
Hindi naman maiwasan maging emosyonal ng mommy ni Saab na si Pia Magalona. Sa isang post sa kanyang Instagram account, binati nito ang dalawa at ipagdadasal daw niya ang buhay nila bilang mag-asawa.