Showbiz News

Abangan ang halik na gigising kay Prince sa 'Once Upon A Kiss'!

By MICHELLE CALIGAN
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

"Nakakakilig! Ako mismo kinilig!"
 
'Yan ang naging sagot ni Bianca Umali nang aming kamustahin ang eksena kung saan hinalikan niya si Miguel Tanfelix para magising ito sa Once Upon A Kiss. Eere na mamayang gabi, January 27, ang naturang kissing scene na last week lang daw nila nai-shoot.
 
Matatandaang na-comatose ang character ni Miguel na si Prince dahil sa tindi ng head injuries na kanyang natamo pagkatapos maaksidente kasama si Ella, na character naman ni Bianca.
 
Ayon sa isang matanda na nagbabasa ng kapalaran, tanging si Ella at ang kanyang halik ang pag-asa ng isang lalaking mahimbing na natutulog.
 
Ayaw mang maniwala ni Ella ay gusto rin naman niyang magising na si Prince, at hindi naman masama kung gagawin niya ang sinabi ng matanda. Kaya nang nagkaroon ng development sa kundisyon ng binata pagkatapos niya itong dalawin, naging buo na ang desisyon ni Ella na hahalikan nga niya ang kaibigan.
 
Magigising kaya si Prince sa pamamagitan ng halik ni Ella? Ano ang mangyayari sa kanya at sa kanilang dalawa kapag nagising na siya? 
 
Don't miss the kiss that we've all been waiting for mamaya, January 27, sa Once Upon A Kiss, pagkatapos ng More Than Words sa GMA Telebabad.