Showbiz News

Arthur Solinap, recovering well after basketball injury

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Mabuti na ang kalagayan ni Arthur Solinap matapos magtamo ng injury sa isang basketball game na kanyang sinalihan. 
 
Kuwento ng longtime girlfriend ni Arthur na si Rochelle Pangilinan sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), naputol daw ang tendon ng Pepito Manaloto star sa kaliwa nitong tuhod. 
 
Ani Rochelle, “Nag-basketball siya nung Saturday. Sa Cavite sila nag-basketball. Nasa rehearsal ako ng Sunday All Stars, ‘tapos nag-text siya, sabi niya, ‘Beh, call me, important!’”
 
“Sabi niya, ‘Beh, naano 'yung tuhod ko, e, nadisgrasya!’”
 
Naoperahan daw si Arthur nito lamang Lunes, January 26, sa Las Pinas Doctors Hospital ng personal friend nilang doktor.
 
“Kasi may kaibigan sila na doctor, e, para makamura. Mahal kasi kapag sa mamahaling ano, ‘di ba?”
 
“Hindi na nga humingi ng PF (professional fee) 'yung doktor kasi nga kaibigan.”
 
Dagdag pa ng Ang Lihim ni Annasandra actress, hindi pa raw nila masabi kung kailangan ba munang huminto ni Arthur sa trabaho dahil depende pa ito sa bilis ng recovery niya. 
 
“Depende kung kaya niya. Sabi ng doktor kagabi (January 25), six to eight weeks daw 'yung kailangan niyang ipahinga, ihiga.”