Showbiz News

Is Ash Ortega the next Megan Young?

By ALLANAH CRIS PARAGAS


It's the season of beauty pageants! Sa katatapos lang na Miss Universe 2014 at Miss World 2014,  hindi maikakaila ang pagkahilig at pagsuporta ng mga Pinoy sa ganitong patimpalak. Mayroon nga bang inihahandang pambato ang GMA para sumali sa prestiyosong beauty contests?

Isa sa mga maaring sumali sa ganitong competitions ay ang 5'5" young beauty from La Union na si Ash Ortega.

Nakapanayam ng GMANetwork.com si Ash sa katatapos lamang na press conference ng Kailan Ba Tama Ang Mali?, at tinanong namin ang young actress kung interesado ba syang sumali sa mga beauty pageants.

Ayon sa dalaga, "Actually gusto ko Miss World e, not Binibini[ng Pilipinas]".

Pagapapaliwanag ni Ash, mas gusto daw niyang lumahok sa Miss World dahil may foreign blood (Chinese, Spanish and German) sya, at mas Filipina beauty naman daw ang mga sumasali sa Binibing Pilipinas.

Dati nang nag-compete si Ash abroad to represent our country sa Figure Skating competitions kaya hindi na bago sa kanya ang sumali sa international contests. Recently, sinubukan din niya ang Muay Thai. Sa parehong discipline na kanyang nakahiligan ay kailangan ng matinding ensayo, diet, at exercise. Preparations na ba niya ito para sumali sa beauty pageants in the future?

"Right now, I'm sixteen years old. Sobrang young pa ako para mag-decide. Siguro if I'm at the right age... if I'm twenty plus na, dun na 'yung tama kong pag-iisip to join the pageant. Pero right now dito lang muna ako nagfo-focus kasi dito (acting) ako masaya," paglilinaw ni Ash.

Nang itanong naman kung siya ang next na Megan Young after five years, "Maybe, sana...sana," anya ng dalaga.