Showbiz News

Bakbakang Eula Valdez at Jean Garcia, abangan sa ‘The Half Sisters’

By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
The wait is over mga Kapuso dahil ang pagtutuos muli nina Jean Garcia at Eula Valdez ay muli ninyong mapapanood sa nag-iisang top rating afternoon drama ng GMA-7 na The Half Sisters.
 
Sa pocket press con na ginanap sa Kapuso network nito lamang Huwebes (January 29), na-interview ng press ang former Ilustrado star na si Eula Valdez.
 
Kapansin pansin na blooming pa rin ang veteran star suot ang isang stunning blue dress.
 
Inusisa ng mga reporter si Eula na gaganap bilang Ysabel kung paano siya napapayag na tanggapin ang role sa The Half Sisters.
 
Saad ni Eula, “Kasi hindi lang ito 'yung inoffer sa akin mayroon pang isa. Pero siyempre, parang no brainer na ba’t ka pa mag-iisip at top rater na ‘yun 'di ba siyempre dun ka na.”
 
“At 'tsaka nakatrabaho ko na rin ‘yung mga cast nila so less problema, less adjustment at 'tsaka siyempre excited din ako to work with Direk Mark [Reyes] again kasi first time ko to work with him [sa] Kamandag. ‘Yun 'yung unang labas ko dito sa GMA.”
 
Next week daw mag-uumpisa mag-taping si Eula at kinumpirma ng director ng soap na si Direk Mark Reyes na extended sila beyond March.
 
Excited na rin ang veteran actress na makatapat muli ang personal friend niya na si Ms. Jean Garcia, lalo na't mare-revive muli ang tapatan nila noon bilang Amor Powers at Claudia Buenavista.
 
“Siyempre parang maglalaro na naman kami. Sabi ko nga ano eh kami ‘yung original na love team talaga 'di ba. Siyempre excited din ako.”
 
Dagdag niya, “And si Jomari din kasi nakatrabaho ko na silang dalawa sa isang soap din before. Excited ako to work [laughs].”
 
Magkakaroon kaya sila ng matitinding sampalan sa show?
 
Tugon niya, “I don’t know pero siyempre hinahanap [ng tao]. I’m sure lalagyan nila ng ganun.”