Showbiz News

Kapuso stars, nakiisa sa National Day of Mourning

By CHERRY SUN

Nakiisa ang ilang Kapuso artists sa pagkilala sa 44 police personnel ng Special Action Force (SAF) na nasawi sa engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao.

Hindi man sila makapuntang Camp Bagong Diwa para sa gaganaping necrological services para sa ating mga bagong bayani ay ipinaabot naman nila ang pakikidalamhati at paghingi ng hustisya sa kani-kanilang social media accounts.

Ibinahagi ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera-Dantes, “Nakikiramay po kami sa lahat ng nawalan ng mahal sa buhay. #PrayforthesoulsofourHEROES.”



Nagpahayag din ng kanyang saloobin ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Bahagi ng kanyang isinulat ay, “Indeed, these SAF personnel rightfully deserve to be called heroes...but only TRUTH and JUSTICE can provide eternal peace to their souls and heal the wounds inflicted upon us, especially to their families.”



Ayon naman sa post ni Mike Tan, “To the family, friends, and colleagues of those PNP-SAF who were slain in Mamasapano, may the love of God enfold you during this time of grief. Sending you thoughts of comfort...”



“Nakakalungkot lang isipin, na siguro marami sa ating #SAF44 ang hindi man lang nakapagpaalam ng maayos sa kanilang pamilya at mahal sa buhay. Ang isa sa mga pinakamasakit na pagpapaalam ang hindi na sya makakasagot sa'yo at hindi niyo na sya makikita pang ngumiti. Sa pamilya na naiwan nila, andito po ang buong Pilipinas nakikiramay sa inyo,” saad naman ni Louise delos Reyes sa kanyang Instagram account.



Sa pag-guhit naman ginawa ni Michael V. a.k.a. Bitoy ang kanyang pakikiramay sa #Fallen44.



Nagpahayag din ng pakikiramay sina Regine Velasquez Alcasid at Yasmien Kurdi na nakasalubong ang contigent ng mga pulis malapit sa Libingan ng mga Bayani.





Saludo rin sina Heart Evangelista, Carla Abellana, Luane Dy, at Rodjun Cruz, sa mga bayaning pulis.