Showbiz News

'Papanindigan ko 'to and I will be strong. I will walk on my own.' - Heart on her bridal march

By MARAH RUIZ

 
Hinandugan si Heart Evangelista ng isang bouquet ng kanyang paboritong mga bulaklak na hydrangeas ng kanyang mga Startalk co-hosts na sina Joey de Leon, Lolit Solis, Ricky Lo, at Butch Francisco habang kinakamusta ang kanyang mga wedding preparations. 
 
Dalawang linggo na lang at ikakasal na si Heart kay Senator Chiz Escudero. Ibinahagi ni Heart na handa na ang lahat, pero may mga pinaplantsa pa silang ilang malilit na detalye.
 
"All set na, pero marami pa rin kailangang gawin. Tulad kanina, mga thank you cards na never ending," aniya. 
 
Busy din si Heart sa pagaasikaso sa mga kaibigan at kamag-anak niyang darating mula sa ibang bansa. 
 
Samantala, isang araw bago ang kasal, ise-celebrate naman ni Heart and kanyang 30th birthday. Hindi man siya mahilig mag party, pero nais niyang ibahagi ang huling araw ng kanyang pagiging single, kasama ang kanyang mga mahal sa buhay. 
 
"For the rest of our lives, kaming dalawa na [ni Sen. Chiz] eh. For that night, it will be with everybody," sabi ni Heart.
 
Masayang-masaya naman si Heart para sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib ni Sen. Chiz. 
 
"Sa tagal ko na din na nag-aartista, marami din akong naging blessings sa showbiz. Pero iba rin pala kapag meron kang  solid home that you know you can go to no matter what. Kapag ayaw ka na ng tao, may nagmamahal pa din sayo. That's the only thing that matters," paliwanag nito.
 
Nagkita naman sila ng kanyang ina na si Cecile Ongpauco, ngunit hindi pa din umaasa si Heart na pupunta ito sa kanyang kasal. 
 
"Kumplikado. Lahat tayo hindi perpekto ang buhay and I have learned to understand that," wika ni Heart. 
 
At hindi din niya ipipilit ang pagaayos nila ng kanyang mga magulang para lang sa kasal. 
 
"I learned to understand kung ano man yung concerns nila. Eventually [magkaka-ayos]. Hindi naman ito yung deadline na magka-ayos kami," sabi nito. 

 
Gayunpaman, umaasa pa din si siya na magkakaayos silang pamilya sa pagdating ng tamang panahon.
 
"Siguro naman if they see na maayos naman yung magiging buhay ko kapag kinasal na kami, eventually [maaayos ang lahat]," bahagi ni Heart. 
 
Baby kaya ang sagot para mapabilis na silang magkasundo?
 
"Parang hindi ata! Baka lalong uminit yung ulo," natatawang sagot nito. 
 
Kaagad naman naging seryoso si Heart nang mapunta ang usapan sa plano niyang maglakad nang mag-isa pababa ng aisle sa araw ng kanyang kasal dahil hindi rin pupunta ang kanyang ama dito. 
 
"Siyempre, sad ako. Pero para sakin, big moment na din siguro na I'll walk alone. Kasi yung mga kapatid ko, tinanong nila: Do you want us to walk you? But I said nobody can replace my dad. My dad is my dad," naluluhang pahayag ni Heart. 
 
Dagdag pa nito, "It says a lot about 'yung naging journey ko sa buhay. Sobrang dami ko nang pinagdaanan at a young age, and yet I'll be brave on that day. Papanindigan ko 'to and I will be strong. I will walk on my own. I will be happy."