Showbiz News

Love advice from Alma Moreno and Papa Dudut

By ANN CHARMAINE AQUINO

 
Dahil nalalapit na ang Valentine's Day, usapang puso ang naging topic last Saturday sa Sarap Diva. Ano kaya ang naging payo nina Alma Moreno at Papa Dudut sa iba't-ibang klase ng love problem.
 
1. "Sa tuwing pinag-uusapan po namin ang kasal, nagpa-panic po 'yung boyfriend ko. Hindi pa raw po siya ready na magpakasal."
 
Papa Dudut: Parang pagsakay sa jeep 'yan e. Pagsakay sa umaga sa jeep; magbabayad ka ng buo, pero hindi kayang suklian ni Manong. So 'di puwedeng sumakay sa ganyang klase ng relasyon. Mahirap, dapat i-set mo siya na ano ba plano mo sa akin? Mayroon ka bang plano five years from now? Ano ang mangyayari sa atin? Tayo ba ay magpapakasal o tayo ay magiging magbarkada na lang na may anak?
 
2. "Madalas akong nagpapabisita sa mga kaibigan ko sa bahay, 'yun po 'yung pinag-aawayan namin. Wala naman po akong reklamo, sa katunayan thankful po ako kasi tinanggap niya 'yung panganay ko. Okay naman po kami, kaya lang 'yun lang po 'yung tungkol sa mga kaibigan ko. Hindi po kasi niya gustong nandito sila sa bahay. Hindi ko naman maalis sa buhay ko ang friends ko."
 
Alma: Palagay ko, umadjust ka. Ikaw ang umadjust sa husband mo. Okay lang kasi sa husband mo na paminsan minsan may bisita ka, may kaibigan kang dadalaw. 'Di naman every weekend na parang 'yung barkada mo nandoon. Siyempre may lalaki na gusto ang privacy.
 
3. "May asawa po ako at tatlong anak. Sa ngayon nagkakalabuan kasi busy sa trabaho. Aiming for promotion sa trabaho at dahil doon, doble ang pagsisikap. Halos sa isang araw hindi nag-uusap."
 
Papa Dudut: Ang business, kinuha 'yang salitang busy sa business. Kaya 'yung mga nagbi-business, kalimitan broken family. 'Di ko sinasabing lahat ha? Marami lang akong nababalitaan. So ang kailangan mo lang ay communication. Sabihin mo, "Hon, 'pag na-promote ako, may ibibigay ako sa 'yong regalo. Itong aking ginagawa ay kasama ka sa pangarap ko. So kapag sinuportahan mo ako dito, ma-a-achieve ko 'yun. At tayong dalawa ang kukumpleto ng pangarap na 'yun dahil naging suportive ka para sa akin." Sa mga kapareha, dapat ganoon din, kailangan sinusuportahan mo ang kapareha mo para may ma-achieve naman kayo na kayong dalawa rin ang nagtulungan.
 
4. "Noong una po magkasama kami, pero pinili niyang tanggapin ang offer sa Singapore [long-distance relationship]." 
 
Alma: Kaya ka nga may love diyan, kaya ka nga nag-asawa para 'yung mayroon kang katuwang. 'Di ba may moment na medyo depressed ka, may tatakbuhan ka, 'yung partner mo, may sasabihan ka. 'Yung time na wala eh. Hahanapin mo siya at hahanapin. 'Yun yung napakahirap doon.