Showbiz News

Mich Liggayu, humihingi ng mga dasal para kay Jam Sebastian

By MARAH RUIZ


 
Marami ang nagulat nang kumalat ang balitang sumusuko na ang YouTube star na si Jam Sebastian sa laban niya sa lung cancer. 
 
Sa eksklusibong panayam ng Startalk sa kasintahan nitong si Mich Liggayu, ibinahagi nito hindi niya inakala noon na darating sa ganitong punto ang kanyang nobyo.
 
"Lately po, hindi ko na siya kayang titigan ng matagal kasi hindi matanggap ng puso ko na ganun na yung itsura niya," bahagi nito.  
 
Halos isang taon na mula nang ma-diagnose ng lung cancer si Jam. At kamakailan lang humingi na ito ng euthanasia o mercy killing na siya namang tinanggihan ng kanyang ina. 
 
"Na-shock ako talaga. Sobrang nag-panic ako. Sabi ko na lang sa kanya basta magdasal na lang tayo kasi lahat naman ng answers nahahanap sa prayers," wika ni Mich. 
 
Malapit na din ang seventh anniversary nila ni Jam. Sa katunayan, sa susunod na buwan na ito. Pero nag-alangan ang dalaga nang tanungin tungkol dito. 

PHOTOS: Jamich shows us that love is beautiful thing. 
 
"Sa nakikita ko po kay Jam, mahirap na pong sabihin na ganun eh," ani Mich. 
"Kinausap na po sila (Sebastian family) ni Jam na parang nagbibilin na nga daw po.

Ngayon po kasi, sa nakikita ko kay Jam, sobrang hirap na hirap na po siya," dagdag nito. 
 
Ayon kay Mich, sa ngayon, tanging panalangin na lang ang maibibigay niya sa kanyang nobyo. 
 
"Ang maibibigay nating lahat sa kanya yung pagdadasal na maging comfortable siya, magkaroon siya ng peace sa puso niya," pahayag ni Mich.