Showbiz News

Break na ba sina Bea Binene at Jake Vargas?

By AEDRIANNE ACAR and MARAH RUIZ

 
Tila makahulugan ang post ng former 'Strawberry Lane' star Bea Binene sa kanyang Instagram account lalo na bali-balita na nagkakalabuan na sila ng Kapuso cutie at long-time boyfriend niya na si Jake Vargas.
 
Saad ni Bea, “There's always another sunrise after every sunset. Wait for it.”
 

Are Jake and Bea headed to splitsville?
 
Sa panayam ng PEP.ph sa Kapuso tween royalty na si Jake Vargas, kinumpirma ng young actor na dumadaan ang kanilang relasyon sa matinding pagsubok at kailangan daw nila ng konting space sa ngayon.
 
Ayon sa Pepito Manaloto star, "Actually, last December pa, on the rocks na yung relationship namin. Kung sa tutuusin nga, ilang beses na ba kaming nag-break 'tapos nagbati.”
 
Tikom na tikom pa din ang bibig ng dalawa nang mag-guest sila sa 'Startalk' para i-promote ang upcoming movie nilang 'Liwanang sa Dilim.'
 
"Okay naman po kami. Yun nga lang, busy kami sa work, busy po kami sa mga shows namin. Tsaka busy din kami sa movie schedule," wika ni Bea.
 
Ngunit mukhang hindi kumbinsido si Lolit Solis. Tanong nito, "Pero ano totoo? On pa kayo o off na kayo? Yung totoo talaga?"
 
Natulala na lang ang dalawa at napangiti habang patuloy na kinukulit ni Nanay Lolit. Ikinumpara pa nito ang relayson ng tween stars sa isang ilaw o bumbilyang patay-sindi. 
 
"Basta nay, okay po kami," pagdidiin ni Bea.
 
Napansin naman ni Joey de Leon ang tattoo sa kamay ni Jake kung saan nakasulat ang pangalan ni Bea. Tuloy naman sa pagbibiro si Lolit at sinabing ito ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa.
 
"Hindi naman po ako naniniwala sa ganoon," matalinghaga namang sagot ni Jake.