Showbiz News

Rochelle Pangilinan, dating natutulog sa papag

By MARY LOUISE LIGUNAS

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Sikat man siyang dancer at aktres ngayon, hindi madali ang buhay noon ni Rochelle Pangilinan. Ikinuwento niya sa Walang Tulugan na kamakailan ay napasyal siya sa dating tinitirhan at naalala ang pinagdaanang hirap.
 
“Kanina, galing ako sa Malabon tapos nag-reminisce lang ako ng konti. Sabi ko, ‘Dati, ito 'yung dinadaanan ko. Naaalala ko natutulog ako sa isang papag tapos paggising ko, tumilamsik [na] 'yung tubig [sa ‘kin]… Kulang na lang tangayin na ko',” kuwento ni Rochelle.
 
Mula sa estado ng buhay niya noon, hindi niya inakalang matatamo niya ang tagumpay na kanyang natatamasa ngayon sa love life at career. Seven years na sila ng kanyang nobyong si Arthur Solinap, kakatapos lang ng kanyang high-rating soap na Ang Lihim ni Annasandra, at meron siyang mga negosyo.
 
“Ako ang plano ko siguro kung hindi pa ko ready mag-propose kay Art, [itutuloy ko ang pagne-negosyo],” patawa niyang sinabi.
 
“Pumapasok na ‘ko ngayon sa business eh. Meron [nga] kaming spa [ni Arthur],” dagdag niya.
 
Ngayong mas tumatagal na siya sa industriya at mas mararami at malalaki ang proyektong nabibigay sa kanya, gusto niyang maging mas wais sa kanyang mga desisyon.
 
“Gusto ko talagang lahat ng naiipon ko, at least kahit papano, matutunan kong i-business. Acting naman, gusto ko magtuloy-tuloy sana kung ibibigay. Gusto ko [rin sana gumawa ng] action [projects],” kuwento ni Rochelle