advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Same-sex celebrity pairings na nagpakilig sa atin

1 of 26

Tom Rodriguez at Dennis Trillo

Hindi malilimutan ng mga tao ang natatanging pagganap nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo bilang sina Vincent at Eric sa 2013 television series na 'My Husband's Lover.'

2 of 26

My Husband's Lover

Sa 'My Husband's Lover,' nakasama nina Tom and Dennis si Carla Abellena, na gumanap bilang si Lally, ang asawa ni Vincent.

3 of 26

Rhian Ramos at Glaiza de Castro

Noong 2015, pinakilig nina Rhian Ramos at Glaiza de Castro ang primetime viewers nang gumanap sila bilang sina Jade at Althea sa 'The Richman's Daughter.'

advertisement
4 of 26

The Richman's Daughter

Sa 'The Richman's Daughter,' nakasama nina Rhian at Glaiza si Adrian Alandy, na gumanap bilang David, ang boyfriend ni Jade.

5 of 26

Royce Cabrera at Kyo Quijano

Tambalang Royce Cabrera at Kyo Quijano naman ang nagbibigay kilig sa boys' love series na 'Quaranthings.'

6 of 26

Quaranthings

Sa 'Quaranthings,' binigyang buhay nina Royce at Kyo sina Rocky at Judah, dalawang tao na nakahanap ng pag-ibig sa gitna ng quarantine.

advertisement
7 of 26

Jasmine Curtis-Smith at Louise delos Reyes

Nagkasama naman sa indie movie na 'Baka Bukas' sina Jasmine Curtis-Smith at Louise delos Reyes.

8 of 26

Baka Bukas

Best friends ang mga karakter nina Jasmine Curtis-Smith at Louise delos Reyes na sina Alex at Jess. Alam ng pamilya ni Alex na isa siyang lesbian, ang hindi lang nakakaalam nito ay ang kanyang best friend na si Jess dahil may lihim siyang pagtingin dito.

9 of 26

Kokoy de Santos at Elijah Canlas

Habang naka-quarantine ang karamihan dahil sa COVID-19 (www.gmanetwork.com/covid19) pandemic, pinangiti naman nina Kokoy de Santos at Elijah Canlas ang mga nanonood ng kanilang online boys' love (BL) series na 'Gameboys.'

advertisement
10 of 26

Gameboys

Sa 'Gameboys,' ginampanan ni Elijah ang gamer na si Cairo samantalang si Kokoy naman ang fan ni Cairo na si Gavreel. Kinalaunan, naging mag-boyfriend ang dalawa.

11 of 26

Jerome Ponce at Teejay Marquez

Bumida sina Jerome Ponce at Teejay Marquez sa boys' love (BL) series ng Regal Entertainment na 'Ben x Jim.'

12 of 26

Ben x Jim

Sa 'Ben x Jim,' magkababata ang mga karakter nina Teejay at Jerome na sina Benjamin at Jimson. Matapos ang maraming taon, muling nagkita ang dalawa at binalikan ang kanilang mga pinagsamahan noon.

advertisement
13 of 26

Paolo Pangilinan and Ian Pangilinan

Isa ring online boys' love series na nauso ngayong quarantine ang 'Gaya sa Pelikula' ng Globe Studios na pinagbibidahan nina Ian Pangilinan at Paolo Pangilinan.

14 of 26

Gaya sa Pelikula

Neighbors-turned-lover ang istorya ng 'Gaya sa Pelikula' kung saan napilitang pumasok sa isang relasyon sina Jose Vladimir (Ian Pangilinan) at Karl Frederick (Paolo Pangilinan) dahil sa iba't ibang dahilan.

15 of 26

Luis Manzano at John Lloyd Cruz

Magkaibigan in real life sina Luis Manzano at John Lloyd Cruz pero pinakita nilang dalawa na kaya nilang magpakilig nang gampanan nila ang mga karakter nina Mark at Noel sa pelikulang 'In My Life.'

advertisement
16 of 26

In My Life

Sa 'In My Life,' tumayong nanay Mark si Star for All Seasons Vilma Santos, na ina ni Luis sa totoong buhay.

17 of 26

Tony Labrusca at JC Alcantara

Sa kasagsagan ng quarantine, nagbigay ngiti sa mga manonood sina Tony Labrusca at JC Alcantara nang bumida sila sa online boys' love (BL) series na 'Hello, Stranger.'

18 of 26

Hello, Stranger

Sa 'Hello, Stranger,' ginampanan ni Tony ang karakter ni Xavier, isang sikat na basketball player sa kanilang paaralan samantalang si JC naman si Mico, isang simpleng estudyante. Naging magkaibigan ang dalawa nang gawin nila ang isang school project.

advertisement
19 of 26

Ken Chan at Fabio Ide

Noong 2015, isa ang tambalan nina Ken Chan at Fabio Ide sa nagpakilig ng ating mga hapon sa teleseryeng 'Destiny Rose.'

20 of 26

Destiny Rose

Sa istorya, ginampanan ni Ken si Joey Flores Vergara, isang babae na nasa katawan ng isang lalaki, na kinalaunan ay naging isa nang ganap na babae, si Destiny Rose Flores. Si Fabio naman si Gabriele, ang love-interest in Destiny Rose.

21 of 26

Kylie Padilla and Andrea Torres

Noong 2021, naging hot issue ang Kapuso actresses na sina Kylie Padilla at Andrea Torres nang ibahagi nila ang kanilang mga larawan na intimate sa isa't isa sa social media.

advertisement
22 of 26

BetCin

Kinalaunan, napanood ng mga manonood ang on-cam chemistry nina Kylie at Andrea sa 'BetCin.' Ginagampanan nina Kylie at Andrea ang magkasintahan na sina Beth at Cindy na magbebreak na dapat kung hindi sila nakuha bilang semi-finalists sa online search para sa #RelationshipGoals.

23 of 26

Migs Villasis and Genesis Redido

Sa kalagitnaan ng pandemya, maraming pinakilig sina Migs Villasis at Genesis Redido sa online boys' love series na 'In Between.'

24 of 26

In Between

Sa 'In Between,' ginampanan nina Migs at Genesis ang dating magkasintahan na sina Taurus at Otep na muling sumubok sa isang relasyon matapos ang kanilang mapait na breakup. Bukod kina Migs at Genesis, kasama rin nila sa 'In Between' ang Kapuso actor na si Kimson Tan.

advertisement
25 of 26

Ali King and Alec Kevin

Isa rin sa mga kinakiligan ang loveteam nina Ali King at Alec Kevin sa boys' love series ng Ticket2Me na 'Boys' Lockdown.'

26 of 26

Boys' Lockdown

Sa gitna ng pandemya, nakahanap ng pag-ibig ang karakter nina Ali at Alec na sina Key at Chen. Bukod sa kanilang dalawa, nakasama rin sa series ang Kapuso actor na si Kaloy Tingcungco bilang si Marts, ang kaibigan ni Key.