GMA Logo Ashley Sarmiento
Courtesy: Kristian Eric Javier, GMANetwork.com
What's Hot

Ashley Sarmiento, may bagong na-discover sa sarili sa kanyang 'PBB' journey

By EJ Chua
Published March 19, 2026 10:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Meralco seeks bids for 600-MW power supply deal
Miss Universe PH Bea Millan-Windorski joins dental mission for indigenous people
Raps filed vs minor in Tacloban school shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Sarmiento


'PBB Celebrity Collab Edition 2.0' Third Big Placer Ashley Sarmiento sa kanyang sarili ngayon: “Kaya ko pala.”

Masayang ibinahagi ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 Kapuso Third Big Placer na si Ashley Sarmiento na hindi lang fun experiences ang bitbit niya sa outside world ngayon kundi pati na rin ang bagong na-discover niya sa kanyang sarili.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Ashley, inilahad niya na noong nasa loob pa siya ng Big Brother house ay natutuhan niya kung paano mamuno sa isang grupo at na-realize niya na kaya niya pala na maging isang effective leader.

Pahayag ng Sparkle star tungkol sa kung ano ang bago niyang nalaman sa kanyang sarili at kakayahan, “Sa akin po siguro 'yung leadership kasi lagi po akong parang mas gusto ko lang maging member or parang sumusunod lang ako ganyan.”

Ayon pa kay Ashley, masaya siya dahil talagang na-enjoy niya ang moments na naatasan siyang maging leader sa ilang tasks sa loob ng Bahay Ni Kuya.

“Nagulat po ako na parang eventually nung binigyan po ako ng chance na maging leader, nagampanan ko po nang maayos and nag-enjoy po ako. Natutuwa po ako dahil 'yung mga kasamahan ko rin po masaya po sila sa grupo ko,” sabi niya.

Pahabol pa ng ex-housemate, “Iyon po 'yung isa sa mga natutuhan ko na kaya ko pala, kaya ko pala mag-lead. Marami pa po akong natutuhan na kaya ko pala…”

Si Ashley ay nakilala sa katatapos lang na pangalawang collab edition ng teleserye ng totoong buhay bilang Longing Sweetheart ng Las Piñas.

Sa nagdaang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 The Big Night, itinanghal na Kapuso Third Big Placer si Ashley at kasabay niya rito si Joaquin Arce na ipinakilala naman bilang Kapamilya Third Big Placer.

Related Gallery: Meet the charismatic teen star, Ashley Sarmiento