GMA Logo Ruru Madrid
Image Source: rurumadrid8 (Instagram)
What's Hot

Ruru Madrid, bumisita sa Tondo para paghandaan ang bagong serye

By Marah Ruiz
Published April 17, 2026 6:04 PM PHT
Updated April 18, 2026 10:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DTI approves loans for 20 operators' EV transition
Marian Rivera, Max Collins, Kris Bernal, more stars shine at grand launch of luxury home scent brand
Farm to Table: (May 31, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Bumisita sa Tondo, Manila si Ruru Madrid bilang paghahanda sa bago niyang serye.

Pinaghahandaan na ni primetime action hero Ruru Madrid ang isang bagong serye.

Minarapat ng aktor ng bumisita sa Tondo, Manila para mas intindihin ang kuwento ng upcoming series at damahin ang kanyang magiging karakter.

Nakahalubilo niya dito ang iba't ibang mga tao na nakilala siya mula sa iba niyang mga programa tulad ng 2022's most watched television program Lolong at iconic telefantasya na Encantadia.

Nakipaglaro pa siya ng billiards sa ilang mga kalalakihan doon at nanlibre ng meryenda para sa mga batang masigasig na sumalubong sa kanya.

Nakatakda ring mapanood si Ruru sa upcoming historical movie na Los Salvajes Bravos na tungkol sa grupo ng mga Igorot na dinala sa Spain para maging bahagi ng isang exhibition.

Bukod dito, patuloy si Ruru sa kanyang martial arts training para sa iba pa niyang mga proyekto.

Sa katunayan, pinangalanan pa nga siya ambassador ng Filipino martial arts, kasama ang kanyang girlfriend at kapwa Kapuso star na si Bianca Umali.

Abangan ang pinaghahandaang serye ni Ruru Madrid, soon on GMA!

SAMANTALA, SILIPIN ANG ASTIG NA RACING HOBBY NI RURU MADRID DITO: